Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsSino-sino ang benepisyaryo ng AICS Program?

Sino-sino ang benepisyaryo ng AICS Program?

SADYANG isinabatas ang programang AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) upang ito ay regular na maponduhan ng ating gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan na higit na nangangailangan.

Sino-sino nga ba ang benepisyaryo ng AICS? Kahit ba sino na lang ay puwedeng tumanggap ng perang ayuda? Hindi gayon ang nakapaloob sa batas kungdi ito ay para lamang sa mga indigent person ang ayudang AICS tulad ng tulong medikal sa maysakit, pamasahe sa indibidwal o pamilya na kailangang makauwi sa kanilang mga lugar.

Para din ito sa mga taong biglang nawalan ng trabaho, food assistant, tulong sa pampalibing at iba pang serbisyo o suporta sa higit na nangangailangan. Hindi kailangang may palakasan o kamag-anak, kaibigan incorporated na hindi naman indigent na bibigyan ng pabor.

Hindi rin naaayon sa batas na gamitin sa pamumulitika ang ayudang AICS dahil taliwas iyon sa batas. Kaya nga sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) pinamahala ang programa na ibinaba nan sa mga munisipyo para ang MSWD ang siyang sasala o pipili ng mga indigent beneficiaries.

Paano naman kung hindi kilala ng mga tauhan ng MSWD ang mga indigent person sa bawat barangay? Sa puntong ito naman kailangan ang tulong ng mga mother leader sa barangay dahil sila ang higit na nakaaalam ng mga karapat-dapat na mga tao sa mga barangay sa programang AICS.

Pero kung sa munisipyo o sa city hall pa lamang ay mayroon ng listahan ng mga benepisyaryo na ibababa sa bawat barangay ay doon na iiral ang kasabihang ‘lutong macau’. Nakairal na ang palakasan at kamag-anak incorporated. Kung mayroon mang nakalista sa barangay na totoong indigent ay iilan lang marahil. Kasaklap naman.

Ang AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation ay isa sa mga social welfare services ng DSWD na nagbibigay ng tulong medikal, pampalibing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o tulong pinansyal para sa iba pang support services o pangangailangan ng isang tao o pamilya.

Ang layunin talaga ng AICS Program ay matulungan ang mga mahihirap nating kababayan na sumasailalim sa krisis o matinding pangangailangan upang matugunan sa kanilang mga kakulangan tulad ng pagkain, gamot, pamasahe, pampalibing at iba pang serbisyo.

Katulad din ito ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na tumutulong upang makaahon sa kahirapan ang maraming pamilya, upang hindi na lalong lumubog sa kahirapan ang mga pamilyang nasasalanta ng kalamidad at iba pang unos sa buhay. Pero ang ibang 4Ps beneficiaries ay nasasamantala ng mga usurero. Isinasangkap sa mga nagpapautang ang ATM cards ng mga 4Ps member. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments