Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionBohol’s Pride, ‘nanganganib’ dahil sa pag-viral ng isang resort

Bohol’s Pride, ‘nanganganib’ dahil sa pag-viral ng isang resort

NAKISAKAY ang maraming personalities sa pagkakaisyu ng gobyerno ng Temporary Closure Order (TCO) para madetermina kung sumunod sa batas ang kontrobersyal na “Chocolate Hills” ng Bohol.

Umingay sa mga opinion, haka-haka, usapin, at chikahan sa hanay ng mga pulitiko, artista, netizens na naging maingay sa social media sa pagiging “viral” ng Captain’s Peak Resort na ginawa sa paligid ng Chocolate Hills, isang deklaradong protected area base sa Proclamation Order No. 1037, mula sa kautusan ng dating Presidente Fidel V. Ramos noong July 1, 1997 na naging basehan para ipalabas ang Temporary Closure Order (TCO).

NANGANGANIB ang Bohol bilang isa sa ‘Wonders of the World’ at ‘UNESCO’s Global Geopark’ dahil sa ginawang Captain’s Peak Resort sa gitna nang ‘Chocolate Hills’ na isang deklaradong ‘protected area’ base sa Proclamation Order No. 1037. Ang resort na nakakuha ng business permit noong 2019 at na-renew noong January 22, ay nalamang may violation dahil walang environmental compliance certificate (EEC).

Dahil sa viral issue ay naglabas ng kautusan ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa Bohol para uriratin ang mga dokumento ng resort kung ito ay sumunod sa kanilang TCO na inisyu ng DENR noong nakaraang taon (Sept 6, 2023).

Kung hindi pa naging maingay ang resort na ito ay hindi gagalaw ang ating mga ahensya para i-follow-up kung sumusunod nga sa kautusan at na-iimplema ng tama.

Dapat ay may nakatutok na tao ng pamahalaan sa construction site at tignang maigi kung ayos at tama ang kanilang mga ginagawa at kung ito ay compliance. Maghihintay pa bang maging maingay ito at ma-viral sa social media para pag-tuunan ng pansin?

Sa pagkakabigay ng opisyal na pahayag noong Miyerkules ni DENR Regional Executive Director Paquito Melicor at nag-memorandum kay PENRO Bohol Ariel Rica, na tignan ang Captain’s Peak Garden and Resort sa probinsya kung ito ay nakabukas at nag-ooperate, ay marami ang nagtatanong nang bakit ngayon lamang?

Ang notice of Violation for operating without Environmental Compliance Certificate (ECC) from DENR na naihatid sa mga nagmamay-ari ay inilabas noong pang January 22, 2024, ay dapat napahinto na ito at bakit hinayaan pang matapos? Ang katanungan ng nakararami.

Noong nakaraang taon ay nabigyan ng isang karangalan ang Bohol bilang unang UNESCO Global Geopark nang bansa. Huwag sana nating sayangin ito at dapat pag-yamanin dahil kilala rin ang isla ng probinsya sa mayabong na agrikultura at industriya sa pangingisda.

Karamihan sa mga bisita at netizens ay nagalit at nadismaya sa pagkaka-lagay sa gitna ng Chocolate Hills ng isang resort dahil nawala ang kagandahan nito at magdudulot ng kasiraan sa kalikasan.

Lahat ng proyekto o imprastraktura sa bansa na may kinalaman sa kalikasan ay dapat na dumaan sa DENR-Environmental Management Bureaa (EMB) para makakuha ng ECC.

Ito dapat ang naging basehan ng probinsya bago nila nabigyan ng go signal ang pagtatayo ng resort sa gitna ng protected areas ng chocolate hills at maitalagang National Geological Monument at Protected Landscape dahil sa nakakamanghang geological formations at isa sa tinuturing na “natural wonders of the World” na ipinagmamalaki ng ating mga ninuno at sa susunod pa nating henerasyon. (UnliNews Online)

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments