SA ating nakalap sa ‘social media’ na tila puno na ang salop! Ito ang nararamdaman ng taumbayan sa winika ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala siyang magagawa kundi ipagtanggol ang teritoryo ng kanyang bansa sa South China Sea laban sa tinatawag niyang agresyon ng China, at maaari pa niyang “i-push back ties” kung patuloy na yuyurakan ng Beijing ang interes ng Pilipinas.
Iyan naman dapat tayuan ng isang magiting na lider ng isang bansa. Ika pa ni Pangulong Marcos jr., (ating itinagalog) “nakalungkot na sa kabila ng kalinawan na ibinigay ng international law, ang mga provocative, unilateral at illegal na aksyon ay patuloy na lumalabag sa ating soberanya, sa ating mga karapatan at hurisdiksyon sa soberanya,” iyan ang sinabi ni Marcos sa Lowy Institute international policy think tank sa Australian city of Melbourne, kamakailan.
Tsk! Tsk! Tsk! Sa ating palagay ang intension ni Marcos ay ipaalam sa Tsina na may hangganan ang pagtitimpi ng mga Pilipino. At ang lahing kayumanggi ay hindi paaapi ng lubusan sa isang tusong bansa tulad ng Tsina.
Sa isang banda, ang paggamit ng diplomatikong diskarte upang linawin ang mga isyu sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay magiging kapaki-pakinabang para sa dalawang bansa.
Ang patuloy na pagtatalo sa teritoryo sa South China Sea ay naging isang makabuluhan at pinagmumulan ng tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
Ang mga pagtatalo na ito ay hindi lamang nagpapahina sa mga relasyong diplomatiko ngunit lumilikha din ng mga potensyal na flashpoint para sa labanang militar.
Ang isang diplomatikong diskarte sa pagtugon sa mga isyung ito ay maaaring makatulong upang mabawasan ang mga tensyon at isulong ang isang mas matatag at mapayapang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Kailangan ang patuloy na paguusap ng Pilipinas at Tsina hinggil sa solusyon sa mga sigalot, hanggang sa makamtan ang kapayapaan.
Bulacan Gov. Fernando, nagpasalamat sa mga kawani
Nitong nakaraang ilang araw ay napasyal tayo sa Capitol Gym, City of Malolos at nakita natin ng personal si Bulacan Governor Daniel Fernando, kung saan siya ay nagbigay ng pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya upang kilalanin ang kahusayan ng Lalawigan ng Bulakan sa pagbibigay ng serbisyo o paglilingkod sa mga mamamayan nito.
Nagbahagi rin siya ng mga tulong at parangal sa mga taong karapat-dapat sa tungkulin. Mabuhay ka Gov. Fernando.
Patuloy ang mabuting serbisyo ni Pandi Mayor Roque
Dito naman sa bayan ng Pandi, Bulacan ay kahanga-hanga ang paglilingkod na isinasagawa ni Mayor Rico Roque. Ang kanilang kapuri-puring programang “Bantay Kalusugan na LabExpRess,” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng laboratory test na ang naging prayoridad ay ang mga Lolo at Lola.
Ang nasabing programa na may temang “Kalusugan mo, Una sa aming serbisyo” ay naghatid ng serbisyo medikal gamit ang Mobile Health Clinic sa 22 na Baranggay sa naturang bayan.
Ika nga tuloy-tuloy lang ang serbisyo para sa kapakanan ng mga Pandienos. Mabuhay ka Mayor Rico Roque ng Bayan ng Pandi. (UnliNews Online)