Sunday, December 15, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsIsinaayos at pinasigla ni Gov. Fernando ang kalagayan ng BJP

Isinaayos at pinasigla ni Gov. Fernando ang kalagayan ng BJP

TINALAKAY ni Gov. Daniel Fernando, Province of Bulacan, sa kanyang talumpati; ang pagsasaayos ng Bulacan Provincial Jail (BPJ,) ang pagpapaluwang nito, pagkakaroon ng mga Sports Activities at iba pang pagkakaabalahan ng mga bilanggo, na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, unang lunes ng Abril, 2024.

Batay sa ating mga nakalap na impormasyon. ang mga aktibidad sa Bulacan Provincial Jail sa ngayon ay kinabibilangan ng: Observation and Kick Off Ceremony of 5 Pillars of Criminal Justice System: Naglalayong itaas ang kamalayan tungkol sa mga hamon at pagpapabuti sa kasalukuyang batas at jurisprudence.

Paglipat ng mga Detenido sa Bagong Bilibid Prison: Isinulong ni Gov. Fernando ang paglipat ng daan-daang mga detenido na nasentensiyahan na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, bilang bahagi ng pagsisikap na bawasan ang pagkakakulong sa BPJ. Pagpapatupad ng Drug Dependency Exam: Ang inisyatiba na ito ay nagbibigay-daan para sa isang plea bargain para sa mga drug suspect o isang pag-amin sa krimen kapalit ng mas magaan na sentensiya. Pagpapatupad ng E-dalaw: Ang isa pang aspeto ng mga aktibidad ay kinabibilangan ng pagpapatupad ng E-dalaw, bukod sa iba pang mga hakbang. Mga Pagpapabuti sa Kondisyon ng Pasilidad: Iniutos ni Fernando ang mga pagsisikap na pahusayin ang mga kondisyon sa loob ng pasilidad ng kulungan, kabilang ang mga karagdagang computer at pag-upgrade ng koneksyon sa internet upang matugunan ang mga hamon sa modernong teknolohiya, at iba pa.

Tsk! Tsk! Tsk! Maging ang paghihigpit gamit ang surveillance camera sa pagpapasok ng mga deadly weapons, paggamit ng mga celpon, at naiwasan ang mga gulo o rito sa nasabing kulungan. Ang mga aktibidad na ito ay sumasalamin sa isang komprehensibong pamamaraan tungo sa pagtugon sa iba’t ibang aspeto na may kaugnayan sa hustisyang kriminal, pamamahala ng detenido, kondisyon ng pasilidad, at pakikipag-ugnayan sa komunidad sa loob ng Bulacan Provincial Jail.


BENRO, pinuri ni Gov. Fernando

Pinapurihan din ni Gov. Fernando ang pamunuan at mga kasapi ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) sa pamumuno ni Atty. Julius Victor Carag Degala, na nakasabat ng mga nag-iiligal quarry sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan, na ayon sa Gobernador na ito ay mga nag ooperate ng walang kaukulang permiso at nakasisira sa kapaligiran.Ika pa ni Fernando, ‘first time’ na napakaraming huli. Kaya ika pa niya na siya ay hindi nagkamali sa pagpili at pagtatalaga kay Degala na pamunuan ang nasabing ahensiya sa kanyang lalawigan.

Pinahalagahan din ng butihing Gobernador ang mga masisipag na kawani ng BENRO at mga Alagad ng Batas, sa pakikiisa laban sa mga iligal na sumisira ng kalikasan o kapaligiran.

Tsk! Tsk! Tsk! Hindi pa man Abogado noon si Degala ay lagi kong ng nakakadaumpalad sa Bulacan Press Club, isang palakaibigan. Maligayang bati at Mabuhay ka Atty. Degala at kay Bulacan Gov. Daniel Fernando. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments