Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNews13-anyos kinidnap ng ina, ‘humirit’ ng P3 milyong ransom

13-anyos kinidnap ng ina, ‘humirit’ ng P3 milyong ransom

CAMP OLIVAS, Pampanga — Isang 13 taong gulang na lalake at nasa Grade 7 ang “dinukot” ng tatlo katao kabilang ang sariling ina nito saka humirit ng P3 milyong ransom sa negosyanteng ama kapalit ng kalayaan sa Plaridel, Bulacan nu’ng nakaraang araw.

Ayon kay Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. na sa loob lamang ng 24-oras, nasagip ang 13-anyos na estudyante na dinukot sa Hagonoy, Bulacan habang kinilala ng pulisya ang tatlong suspek sina Maryrose Medina, 42, alyas “Elmarie”, ina ng binatilyong biktima, ng Brgy. Sagada, Hagonoy, Bulacan; Eleonor Bolosco ng Brgy. Menzyland at Adrian Cortez, security guard ng Brgy. Mojon, Malolos City, Bulacan.

“Ligtas na nabawi ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan at Hagonoy police ang biktima,” ani pa Hidalgo.

Sa inisyal na imbestigasyon na pulisya at sa salaysay ng amang negosyante na itinago sa pangalang Jason, umalis ang kanyang anak at nagpunta sa kanyang kaklase bandang alas-3:00 ng hapon nitong Abril 4.

Ayon sa ama, hindi na bumalik ang anak at isang hindi nagpakilalang indibidwal ang tumawag sa kanya at nanghihingi ng P3-milyon bilang ransom para pakawalan ang kanyang anak.

Matapos makatanggap ng tawag ang ama ng biktima mula sa kahina-hinalang kidnapper, agad siyang dumulog at humingi ng saklolo sa Hagonoy Police Station.

Nabatid na naibaba naman sa P550,000 ang ransom matapos na magkatawaran ng magkabilang panig.

Agad na inilatag ang rescue operation ng magkatuwang na puwera ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan sa pangunguna ni PLt. Col. Jesus Manalo, Anti-Kidnapping Group Luzon Field Unit at Hagonoy Police Station sa pamumuno ni PLt. Col. Aldrin Thompson.

Nang maiabot ang halagang P550,000.00 ransom money, agad sinundo ng kanilang family driver ang biktima sa isang fast food chain sa bayan ng Plaridel kasabay ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober ng mga awtoridad sa operasyon ang P550,000 ransom money, at black Chevrolet SLX na gamit ng mga suspek.

Ayon sa ina ng biktima, ninais niyang dukutin ang sariling anak para ipatubos at makapag-higanti sa negosyanteng mister. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments