Friday, December 13, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBarangay puwede ng pumasok sa PPP program

Barangay puwede ng pumasok sa PPP program

Ni MANNY C. DELA CRUZ

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Puwede nang makilahok ang mga barangay sa ilalim ng bagong Private-Public Partnership (Republic Act 11966) na kung saan ang pribadong contraction firm ay makapamumuhunan para sa infrastructure projects sa mga pamahalaang lokal mula sa lalawigan, bayan, lungsod at barangay.

Ibinalita kamakailan ni 6th District Rep. Salvador A. Pleyto, sa harap ng humigit-kumulang 800 mag-aaral sa kolehiyo sa araw ng pamamahagi ng cash assistance sa mga estudyante sa pamamagitan ng AICS sa Poblacion, Sta. Maria, Bulacan ang ginawang paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa implementing rules and regulations ng PPP Code upang iyon ay maging ganap ng batas.

“Malalaking proyekto ang naghihintay sa lalawigan ng Bulacan at kasamang mabibiyayan ng mga proyekto ang ating Distrito. Aabot sa 185 flagship projects na nagkakahalaga nt P9.14 trillion ang nakaabang na kung saan ang 45 big-ticket projects ay pipinansiyahan sa ilalim ng PPPs. Ang kainaman sa batas na ito, Pati ang barangay ay puwede na ring lumahok sa PPP basta kaya ng kanilang badyet ang proyektong nais nilang ipatayo. Meron namang private firm na mamumuhunan” ani Pleyto na isa sa mga principal na awtor ng PPP Code.

“Iyang PPP ang dahilan kung bakit mayroong mga airports, mga expressway sa kapakinabangan ng maraming Pilipino. Ang mga negosyante ang namumuhunan sa mga imprastrakturang iyan at kapag nag-operate na ang mga iyan katulad ng expressway ay maniningil ng buwis ang gobyerno para naman maibayad sa mga negosyanteng namuhunan sa pamamagitan ng kontrata sa ilalim ng PPP”. Sabi pa ni Cong. Pleyto.

Ang barangay anya ayon sa mambabatas ay mayroon taunang National Tax Allotment” (NTA). Nakapaloob iyon sa barangay annual budget ang 20% development fund na kung saan dito huhugutin ang pondong inilalaan sa mga pagawain ng mga barangay. “Puwedeng makipag-partner ang mga kapitan sa mga private contractor na handang mamuhunan. Basta napagtibay ng Sangguniang Barangay ang proyektong nais ay puwedeng ipagawa sa opisina ng municipal engineer ang program of works upang pumasok naman sa kasunduan ang barangay at ang kontratista na siyang mamumuhunan sa pamamagitan ng iskemang PPP”. Dagdag pa ni Pleyto.

Ang isa pa anyang magandang kapakinabangan ng nakararaming Pilipino sa PPP ay ang pag-generate ng maraming trabaho para sa mga inhinyero, mga arkitekto at mga skilled workers”. Bukod sa hanapbuhay para sa mga Pilipino, magpapalakas din nito ating ekonomiya lalo pa at dumaan tayo sa dalawang taong krisis dahil sa pandemic at ang digmaang Russia at Ukraine na labis na nakaapekto sa global economy na siyang dahilan ng paglala sa pandaigdigang inflation kaya andyan na ang PPP na magbabangon sa ating ekonomiya,” pahayag ni Kin. Pleyto.

Si Pleyto bago naging kongresista sa House of the Representatives ay isang inhinyero na humawak ng key positions sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang pinakamataas na posisyon na kanyang nakamit sa nasabing ahensiya ay ang pagiging assistant secretary ng DPWH. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments