Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsNew Bocaue Fire Station, pinasinayaan

New Bocaue Fire Station, pinasinayaan

BOCAUE, Bulacan — Pormal na isinagawa ang pagpapasinaya ng kauna-unahang itinayong bagong fire station sa bayan ng Bocaue noong Miyerkules, ika-15 ng Mayo 2024 na matatagpuan malapit sa Mayor Joni Villanueva Avenue at bahay pamahalaan ng nabanggit na bayan.

Ang fire station ay naitindig dahil sa pagsusumikap ni Bocaue Mayor Eduardo “JJV” Villanueva Jr., na-idonate ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue ang lupang pinagtatayuan ng bagong fire station.

Agad na naisakatuparan ang nasabing proyekto sa tulong nina Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna, mga konsehal ng Team Solid, CIBAC Party-list at ni Majority Leader Sen. Joel Villanueva. Naitayo din ang gusali mula sa pondo ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagbahagi ng mensahe si Mayor JJV aniya, “ang aking mga hakbang kaya napagtagumpayan natin na naipagkaloob ang lupang ito na kinatitirikan ng ating bagong fire station ay sa tulong nina Vice Mayor Tugna at Municipal Administrator Alex Yap.

Masiglang sinabi din ni Mayor JJV na walang imposible at maraming magagawa kung may pagkakaisa at nagtutulong-tulong ang lahat.

At sa pagtatapos ng mensahe ni Mayor JJV ay masayang ibinalita pa nito na nakahandang muli na magdonate ng lupa ang lokal na pamahalaan para makapagpatayo din ng isa pang fire station sa Barangay Batia.

Dumalo sa naganap na pagbabasbas sina Mayor JJV, Vice Mayor Sherwin Tugna, Municipal Administrator Alex Yap, Municipal Jail Warden Michael De Jesus, mga opisyal ng MDRRMO, Barangay Chairman Eduardo Agapito at mga kagawad.

Kabilang din sa mga dumalo ang mga opisyal ng BFP na sina FCSupt. Roy Aguto, Regional Director, BFP Central Luzon; FSSupt. Ernest Pagdanganan, BFP Provincial Director; Flnsp. Jose Gerald San Pablo, acting Municipal Fire Marshal. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments