LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nakiisa kamakailan ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Malolos sa isinagawang “Coastal Clean Up Drive” bilang pagdiriwang ng Month of the Ocean 2024 mula sa inisyatiba ng Provincial Environment (PENRO Bulacan) at Natural Resources Office at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
May temang: “Develop a sustainable and equitable blue economy”, naglatag ng paglilinis gg kailugan sa paligid ng Barangay Namayan, Malolos katuwang ang CENRO Baliuag at Guiguinto
Ayon kay Amiel S. Cruz, officer in charge ng CENRO – Malolos lubos ang kaniyang pasasalamat sa DENR – PENRO sa tulong na ibinigay nito upang mas mapaigting ang programang “Coastal Clean Up Drive” sa Lungsod ng Malolos.
Dagdag pa niya na mula sa inisyatibong ito ng PENRO, ay mas paiigtingin pa ng husto ng kanilang tanggapan na masolusyunan ang problema sa basura lalong lalo na sa mga barangay na napapalibutan ng kailugan dahil para sa mga mamamayan ng Malolos na nasa latian, isa sa kanilang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay ay ang pangingisda atbp.
Sa mensahe naman ni Marilyn A. Gudac ng DENR PENRO Bulacan, patuloy na isinisulong ng kanilang tanggapan sa region na mapaigting ang mga programang “proper waste management” dahil kailangan malaman ng bawat indibidwal ang kahalagahan ng mga kailugan.
Kaniya ring hinihikayat ang bawat isa na makiisa at maging reponsableng mamamayan upang sa mga darating na henerasyon, ay may abutan na maayos at malinis hindi lamang sa mga land areas kundi patin rin sa ating mga kailugan.
Dumalo at nakiisa ang mga kawani ng CENRO – Malolos, at mga kawani ng PENRO Bulacan, at DENR – CENRO Baliuag at Guiguinto.