BOCAUE, Bulacan — Mahaharap sa patong-patong na kaso ang mga taong may kinalaman o sangkot sa malawakang anomalya ng land conversion sa lalawigan ng Bulacan.
Isa umanong Mr. Sakay na nagtatrabaho sa Maycauayan City Assesors Office ang itinuturo ng isang naging kliyente nito ang siyang nagmamaniobra sa ma-anomalyang transakyon ng land conversion sa ilang bayan at lungsod sa Bulacan.
Hayagang ibinulgar ng naturang kliyente ni Mr. Sakay na nagbibigay sila ng halagang P150 pesos per square meter bilang kabayaran sa pagsasaayos ng mga papeles para sa conversion ng mga lupain sa isang bayan sa Bulacan.
May mga lupain umano sa mga bayan ng Bocaue, Balagtas at sa lungsod ng Meycauayan ang direktang minamaniobra ni Mr. Sakay at naiko-convert or naire-reclassify ng hindi na dumadaan sa Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan at maging sa Provincial Assesors Office.
Samantala, isang Chinese businessman na kinilala sa isang alyas “Jacky” na nagmamay-ari ng mga kumpanyang Lucky Classic Realty Corp., GreenBay Realty at Focus City Center Inc. na nagbabayad na lang diumano kay Mr. Sakay para sa coversion ng mga lupain nito at hindi nadadaan pa sa Sangguniang Bayan.
Nabatid din na ilang conversion ng mga lupa sa bayan ng Bocaue na hawak ni Mr. Sakay ang wala umanong record sa Provincial Assesors Office.
“Inisa-isa namin ang lot number ng mga naturang lupain ngunit wala kaming nakitang record o katibayan na nai-convert legally ang mga naturang lupain, saad ng isang empledo ng PAO.
Inaasahang mabilis na masasampahan ng kaso sina Mr. Sakay at ang negosyanteng si alyas Jacky dahil sa kanilang ginagawang anomalya hinggil sa land conversion.
Hinihiling din ang agarang pagpapatigil sa mga ginagawang development sa mga kumpanyang nabanggit na mga walang legal na dokumento ng conversion.