LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ginawaran ng parangal si Bise Gobernador Alexis C. Castro bilang “Distinguished Icon in Public Service 2024” sa idinaos na Asia’s Golden Icon Award sa Grand Ballroom ng Okada Manila noong Mayo 31, 2024.
Ang parangal ay kumikilala sa pambihirang dedikasyon at namumukod-tanging serbisyo ni Castro bilang isang pampublikong opisyal sa loob ng mahigit dalawang dekada.
Ipinamalas ng bise gobernandor ang matibay na pamumuno sa kanyang mga nasasakupan bilang pinuno ng konseho ng lehislatura at bilang tagapangulo ng Committee on Social Services.
Kilala sa kanyang adbokasiya para sa mga programa sa pag-unlad ng kabataan partikular sa larangan ng palakasan, nanguna si Castro sa iba’t ibang mga inisyatiba para sa kapakinabangan ng mga kabataang Bulakenyo.
Kasalukuyang nagsisilbi bilang presiding officer ng provincial legislative council at chairman ng Committee on Social Services, si Castro ay nagpakita ng matibay na pangako sa kabutihan ng publiko at sa pagsulong ng Bulacan.
Ang kanyang maagap na diskarte sa pamamahala ay nakakuha sa kanya ng paggalang at paghanga mula sa kanyang mga kapwa pampublikong opisyal at nasasakupan.
Si Castro ay kilala rin sa kanyang adbokasiya para sa mga programa sa pagpapaunlad ng kabataan at nagpasimuno ng mga hakbangin, partikular sa palakasan, upang makinabang ang mga kabataan ng Bulacan.
Kinilala rin siya bilang pinakabatang bise gobernador ng Bulacan at ang unang nagtatag ng action centers sa Santa Maria, Marilao, at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Bago ang kanyang kasalukuyang tungkulin, si Castro ay nagsilbi bilang provincial board member ng ikaapat na distrito mula 2016 hanggang 2022 kasunod ng kanyang panunungkulan bilang municipal councilor ng Marilao mula 2007 hanggang 2013. Nagsilbi rin siyang pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation mula 2002 hanggang 2007.
Binati at pinasalamatan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando si Castro dahil sa kanyang kahanga-hangang serbisyo publiko.
“Congratulations, Vice Governor Alex Castro. Thank you for your unwavering public service. Mabuhay ka,” ani Fernando. (UnliNews Online)