Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsMga panganib at negatibong epekto na nauugnay sa POGO

Mga panganib at negatibong epekto na nauugnay sa POGO

NAKATANGGAP tayo ng ulat na ang 11th Sangguniang Panlalawigan sa Lalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ni Vice Gov. Alexis C. Castro ay nagmungkahi ng ordinansa na hindi payagan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa loob ng territorial jurisdiction ng lalawigan sa pagdinig ng komite, na ginanap sa Benigno Aquino Session Hall sa Lungsod ng Malolos, kamakailan.

Ang hakbang na ito ay ginawa ng legislative body ng lalawigan kasunod ng mga ulat ng paglaganap ng POGO operations na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa lipunan, ekonomiya, at seguridad sa buong bansa.

Tsk! Tsk! Tsk! Makatuwirang ipagbawal ang POGO sa lalawigan ng Bulacan. Ang desisyon ay ginawa batay sa ilang mga kadahilanan at alalahanin na ibinangon ng mga lokal na opisyal at awtoridad.

Kasama sa mga alalahaning ito ang mga isyung panlipunan tulad ng human trafficking, torture, money laundering, kidnapping, prostitusyon, at iba pang krimen na nauugnay sa mga POGO.

Bukod pa rito, may mga ulat ng mga kriminal na aktibidad na nangyayari sa loob ng mga pasilidad ng POGO sa mga kalapit na probinsya tulad ng Pampanga at Tarlac, kabilang ang paggamit ng ilegal na droga, prostitusyon, at online scamming.

Ang ordinansang iminungkahi ni Vice Gov. Alexis Castro ay suportado ni Gobernador Daniel Fernando na naglalayong pigilan ang mga negatibong epektong ito na makaapekto sa Bulacan.

Kung isasaalang-alang ang mga potensyal na panganib at negatibong epekto na nauugnay sa POGO, makatuwirang ipagbawal ang mga offshore gaming operator na ito sa lalawigan upang pangalagaan ang kapakanan ng publiko at mapanatili ang batas at kaayusan.


Kalihim ng Edukasyon, binabati

May nagpadala ng ulat na binabati nila ang bagong Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si dating Sen. Juan Edgardo “Sonny” M. Angara.

Kami po ay nagpupugay sa inyo dahil alam namin na magagampanan mo ang bagong obligasyong inatas sa inyo ng ating mahal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, na si Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr., dahil ikaw ay may mga batas na ring nagawang pang edukasyon.

Una na dito ay ang pagbibigay mo ng halaga, na ang edukasyon ay armas para labanan ang kahirapan. Awtor ka ng Free College Law, Free Kindergarten Law, Universal Healthcare Act, expanded Public Employment Service Office (PESO) Act, Kasambahay Law, OWWA Charter, Expanded Senior Citizens Act, National Athletes and Coaches Benefits and incentives Act, at ng National Sports Academy Act.

May mga programa ka na ring nagawa para sa mga mahihirap but deserving students na nabigyan mo ng mga scholarships. Nawa ay maipag patuloy mo pa din ang mga ito at mabigyan ng tama, sapat at maayos na attention, lalo na sa mga pribado at pang publikong institusyon o paaralan.

Sana ay maging maayos ang implementasyon ng bagong kurikulom na kung tawagin ay Matatag, upang mas mapaunlad at mapalawak ang pagkatuto ng bawat mamamayang batang pilipinong mag-aaral para sa maunlad na kinabukasan. Mula kay Melita, isang Guidance Counselor ng isang Paaralan sa Cavite.

Tsk! Tsk! Tsk! Salamat po Melita sa inyong pinadalang ulat para sa butihing Kalihim ng Edukasyon. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments