Wednesday, February 5, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionPBBM ipinagkaloob ang prestihiyosong pagkilala kay Gob. Daniel at PCEDO

PBBM ipinagkaloob ang prestihiyosong pagkilala kay Gob. Daniel at PCEDO

NATANGGAP ni Gobernador Daniel R. Fernando at ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) mula kay Pangulong Ferdiannd Marcos Jr., ang prestihiyosong Presidential Recognition for Outstanding Development Partner for Northern Luzon on Improving Business Climate Category 2024 Presidential Awards para sa Outstanding MSMEs at Presidential Recognition for Outstanding Development Partners na ginanap sa Palasyo ng Malacañan, Manila noong Wednesday (July 10) para sa pagpapatupad ng programang INVEST BULACAN at pagsuporta sa Micro, Small and Medium Enterprises.

Ang INVEST BULACAN ay itinuturing na isa sa pinakakilala, institusyonal at sustainable na mga programa ng PCEDO na pinamumunuan ni Atty. Jayric L. Amil. Ang programa ng nasabing tanggapan ay nakatuon sa pagbuo at pagpapahusay sa katayuan ng Bulacan at isa sa magandang lokasyon para sa mga negosyanteng nais na mamuhunan lokal man o dayuhan.

Mula ng manungkulan si Fernando nanguna ang PCEDO sa mga transformative initiatives na naglalayong itaguyod ang isang magandang kapaligiran sa negosyo.

Ayon kay Amil, “kami ay nangangako na isulong ang isang masiglang lokal na ekonomiya at tumulong na magkaloob ng mga trabaho para sa bawat Bulakenyo, kaya ang pag- upgrade ng INVEST BULACAN at INVEST BULACAN PLUS na nagbabago ng mga estratehiyang pang-ekonomiya sa pamamagitan ng Pag-promote, Pag-angat, Pag-upscale at Pag-synergize ng mga pagsisikap sa mga stakeholder upang isulong ang Bulacan’s economy to unprecedented heights” saad ni Amil.

Ang programang Invest Bulacan ay nasa pwesto mula sa 49 na noong 2018 hanggang sa ika-8 pwesto sa 2023 Annual Ranking of the Cities and Municipalities Competitiveness Index. Ito ay nakamit ng lalawigan dahil sa tagumpay na naiambag at pinagsama-samang pagsisikap.

Ang 2024 Presidential Awards para sa Outstanding MSMEs at Presidential Recognition para sa Outstanding Development Partners ay inorganisa ng Department of Trade and Industry at ng MSME Development Council upang kilalanin at ipagdiwang ang mga natatanging MSME at mga kasosyo nito sa pag-unlad.

Lubos naman pinasalamatan ni Gob. Fernando ang nakamit na parangal at pagkilala sa kanilang dedikasyong isulong ang economic and investment promotion sa lalawigan sa pamamagitan ng INVEST BULACAN PROGRAM.

Sinabi ni Gob. Daniel, “Patuloy na nagbubunga ang ating pagsisikap dahil mayroon tayo ngayong INVEST BULACAN PLUS. Gaya ng lagi kong sinasabi, ang Bulacan ang susunod na global destination. Kaya naman sinisiguro po nating handa angvating lalawigan, lalo na ang mga Bulakenyo, sa pagyakap sa mga oportunidad na paparating”. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments