Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeTricycle: Kaakibat ay panganib sa national highway

Tricycle: Kaakibat ay panganib sa national highway

Feature Article
Ni Manny C. Dela Cruz

ALINSUNOD sa Republic Act 4136 na kilala bilang Land Transportation and Traffic Code ay pinagbabawalan ang tricycle na mag-operate sa pambansang lansangan dahil sa panganib na maaaring kaharapin ng driver maging ng mga pasahero ng tricycle. Pinapayagan lamang ang tricycle na tumawid sa highway hindi ang bumaybay dito ayon sa nasabing batas.

Ang national highway ay daan para sa mabibilis na mga sasakyan kaya naman ang maximum speed na nararapat sa pambansang lansangan maging sa provincial roads ay 80km/h samantalang sa municipal roads at city roads ay 30km/h lamang kapag maluwag ang daloy ng trapiko.

Ang national highway ay karaniwang dinadaanan ng malalaki at mabibilis na mga behikulo tulad ng passenger bus, dump truck, forward truck at iba pang mabibilis na sasakyan tulad ng kotse, wagon, coaster at van kaya napakapeligroso para sa mga mababagal na sasakyang de-motor ang pambansang lansangan.

Marami nang naitalang road accident sa mga national highway ng Bulacan tulad na lamang ng nangyaring aksidente kamakailan sa Cagayan Valley National Road na sakop ng bayan ng San Rafael, sa lalawigan ng Bulacan. Isang kolong-kolong o carmachug ang nasuro ng isang pampasaherong bus.

Ang Pamahalaang lokal sa mga munisipalidad at lungsod man ay nagpasa ng kani-kanilang mga ordinansa na nagbabawal sa mga tricycle na nagbiyahe o tumakbo sa fast lanes ng national at provincial roads. Pinapayagan ang mga tricycle na dumaan sa national at provincial roads kung ang nasabing maliliit na sasakyan ay sa bahaging kanan ng lansangan dadaan.

Dahil sa kakulangan ng side streets of alternatibong daan para sa mga mababagal na behikulo, napipilitan ang mga tricycle driver na gumamit ng national highway at provincial road sa Kabila ng peligro na kanilang susuungin dahil maraming mabibilis na mga sasakyang dumadaan sa nasabing mga lansangan.

Sa ordinansang pambayan at pang lungsod ay binigyan ng kunsiderasyon ang mga tricycle drivers na dumaan sa national highway subalit mananatili lamang sila sa slow lane hindi sa kaliwa o fast lane dahil hindi naman nila kayang sumabay sa speed limit capacity sa major highways na para lamang sa mabibilis na sasakyang de-motor.

Ang pambansang lansangan o DRT Highway na bumaybaybay sa mga bayan ng Pulilan, Baliwag, San Rafael, San Ildefonso at San Miguel sa Bulacan ay palagian nang dinadaanan ng mga tricycle sa araw man o sa gabi. Sa mga naitalang vehicular accidents sa nasabing lansangan ay karaniwang nangyayari ang aksidente sa gabi.

May mga tricycle umano na walang tail light ang motorsiklo at hindi rin naglalagay ng reflector sa mismong body ng tricycle kaya huli na bago matanaw ng mga driver ng mga mabibilis na sasakyan na may sinusundan silang mabagal na tricycle at wala ring tail light ang motorsiklo kung gabi kaya nangyayari ang malalagim na aksidente sa lansangan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments