Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTMabagyo at maulang bakasyon sa Baguio City

Mabagyo at maulang bakasyon sa Baguio City

WALA sa tiyempo ang nakaraang pagbakasyon namin sa Lungsod ng Baguio ng aking media colleagues dahil nataon na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ng panahong iyon ang Bagyong Carina na nagdala naman ng malawakang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansang Pilipinas.

Una sa Diyos, ay salamat sa taong nag sponsor ng aming maikling bakasyon. Malaking bagay para sa amin ang kagandahang loob ng aming sponsor sa tatlong araw at dalawang gabi na libreng bakasyon. Siyempre pa, libre ang room maging ang pagkain kaya sino ang hindi matutuwa sa magandang oportunidad na dumating sa aming mga buhay.

Kasama ko sa bakasyon sina pareng Omar Padilla at mareng Evelyn; mareng Chat Lazaro Petallana, at pareng Andy; Rommel Manahan at Florence Manahan; Teofel Santos at Lalaine Santos; Jenny Raymundo ay Harold Raymundo, Maverick Marcelo, Erwin Bunag, Dick Mirasol at Verna Santos at siyempre kasama din namin ang driver ng sinakyan naming van, kamag-anak kong si Prince Richmond Adona.

Dahil si Prince ay kapitbahay ko, kasabay na niya ako sa pagpunta sa assembly area. Dinaanan din namin ang mag-asawang Rommel at Florence sa kanilang bahay sa Sumapang Matanda sa Malolos at isinabay na rin namin si Verna dahil taga Sumapa din siya. In short, Nagkita-kita kami sa Shell gas station sa STI McArthur Highway. Alas singko na ng umaga ng kami ay bumiyahe pa-Baguio City.

Maulan na ng umagang iyon kaya habang kami ay bumibiyahe sa NLEX hanggang TPLEX ay ayaw lumubay ang ulan. Nang umentra na kami sa Marcos Highway ay maulan pa rin at maulap ang daan at pagsapit namin ng city proper ng Baguio ay walang patid ang malalakas na pag-ulan dulot ng hanging habagat.

Nawalan ng saysay ang itinerary na ginawa ng aming mga kasama. Dapat Sana ay papasyal ang mga kasama ko sa Mines View Park, Igorot Stone Monument, Burnham Park at iba pang pook pasyalan sa Lungsod ng Baguio, pero hindi na nila nagawa sa ikalawang araw namin sa Siyudad dahil sa malalakas na pag-ulan mula July 24 hanggang July 26 kaya nanatili na lang kami sa transient house na aming tinuluyan.

Sa dalawang gabi ng aming pamamalagi sa transient house ay pawang katatawanan ang aming mga naging kwentuhan kaya abot ang aming tawanan. Lahat yata kami ay mga kenkoy ng mga gabing iyon. Iyon naman ang maganda sa maikling bakasyon para masulit ang mga oras na inilagi namin sa nasabing lugar.

Kinabukasan ng July 26 ng umaga ay gumayak na kami dahil araw iyon ng aming pag-uwi. Pagkabihis naming lahat ay nagkuhanan muna kami ng picture. Napagkaisahan din namin na saglit na magkodakan sa mga pook pasyalan tulad ng Mines View Park, The Mansion at Botanical Garden. Hindi na kami pumasok sa loob ng mga iyon. Sa labas ng gate na lang kami nagkuhanan ng picture.

Kahit na hindi namin napuntahan ang mga pook pasyalan sa City of Pines ay masaya naman kaming lahat dahil sa magandang bonding naming mga magkakasama sa pamamahayag. Bihira kasi na kami ay magkasama-sama kaya sa ganitong pagkakataon lamang namin nare-refresh ang aming mga kaisipan .

Pagkatapos ng kodakan ay bumiyahe na kami sa Marcos Highway. Nang napadaan kami sa tindahan ng mga pasalubong tulad ng gulay, prutas at iba pa ay sandali kaming namili at pagkapamili ay deretso uwi na. Masaya ang naging bonding naming magkakasama kahit na natengga kami sa transient house na aming tinuluyan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments