Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTBayanihan Relief distribution sa Plaridel, pinasaya ang Barangay Volunteers

Bayanihan Relief distribution sa Plaridel, pinasaya ang Barangay Volunteers

NASAKSIHAN namin ng mga kasamahan kong mamamahayag na sina Rommel Manahan, ng Rekta Balita; Dick Mirasol, ng Remate; Maverick Marcelo, ng D-Hub Care TV at Erwin Bunag, ng Jeob.TV at ako na nagrerepresenta sa mga pahayagang Mabuhay, UnliNews at ‘D News Watchers ang malaking event sa bayan ng Plaridel.

Isinagawa nitong Agosto 9, 2024 ang Bayanihan Relief Distribution sa Cesario San Diego Gym, sa bayan ng Plaridel na kung saan ay pinangunahan ni Senador Ramon Bong Revilla Jr., ang nasabing pamamahagi ng food pack. Kasama ng senador sa pamamahagi ng relief packs sina Plaridel Mayor Jocell Aimee R. Vistan Casaje at Vice Mayor Lorie Vinta Surio at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Plaridel na sina Kon. Reggie Javier, Kon. Raul Gatuz, Kon. Ryan Sagala, Kon. Raymund Lopez at Kon. AC De Leon.

Masiglang masigla ang mga barangay volunteers na kinabibilangan ng mga Mother Leaders, Lingkod Lingap sa Nayon, Barangay Tanods at iba pa mga tauhan at mga mamamayan buhat sa 19 na barangay ng Plaridel nang pumasok na sa gym si Senador Revilla at buong kasiglahan siyang sinalubong ng mga recipients na naroon sa gym.

Bago simulan ang pamamahagi ng relief packs ay nagbigay ng welcome remarks si Mayor Jocell sa panauhing pandangal kung saan ay kanyang ibinahagi sa audiences ang suportang ipinagkaloob ni Senador Revilla sa Plaridel tulad ng proyektong multi-purpose covered court na kasalukuyang itinatayo sa Barangay San Jose sa bayan ng Plaridel.

Nagbigay ng kanyang mensahe sa Plarideleños si Revilla at lalo niyang pinasaya ang lahat ng mga taong naroon sa gym maging ang mga opisyal ng bayan ng Plaridel nang sabihin ng senador na bukod sa mga proyektong imprastraktura ay magbababa rin siya ng pondong tig limang milyong piso para sa mga programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Pinasalamatan naman ng mga Plarideleños na tumanggap ng food packs sina Mayor Jocell Vistan, Vice Mayor Lorie Vinta at ang mga kagawad ng Sangguniang Bayan ng Plaridel, lalong lalo na Kay Senador Revilla dahil sa walang sawang pagtulong ng mambabatas sa mga mamamayan ng Plaridel.

Ang mga barangay volunteers at iba pang mga mamamayang barangay na tumanggap ng nakakahong relief goods ay buhat sa mga barangay ng Agnaya, Bagong Silang, Banga 1st, Banga 2nd, Bintog, Culianin, Dampol, Lagundi, Lalangan, Lumang Bayan, Parulan, Poblacion, Rueda, San Jose, Sta Ines, Sto Niño, Sipat at Tabang. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments