Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionGov. Daniel at Vice Gov. Alex, palaging maaasahan!

Gov. Daniel at Vice Gov. Alex, palaging maaasahan!

SA kabila ng mga nagdaang unos na naranasan natin ay patuloy na bumabangon at nananati­ling buo ang pag-asa ng mga Bulakenyo, sapagkat palaging handang dumamay at tunay na maaasa­han sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis Castro pagdating sa serbisyo publiko.

Matatandaan unang sabak ni Gob. Fernando bilang ama ng lalawigan ng Bulacan ay sinalubong ito ng pandemya na COVID-19 na bumalot ‘di lamang sa lalawigan ng Bulacan kundi maging sa buong mundo.

Gobernador Daniel Fernando at Bi-Gobernadro Alex Castro: Paglilingkod na tapat at walang katulad sa mga Bulakenyo. (File photo)

Hindi biro na sa panahon ng pandemyang ito na nag­dulot nang panganib sa ating kalusugan ay hindi inalintana ng masipag na gobernador ang panganib makapaglingkod lang sa kanyang mahal na mga kababayan.

Ang gobernador mismo ang naghahatid ng mga ayuda sa apat na sulok ng Bulacan na nagresulta ng pagkakahawa ni Gov. Daniel sa nakamamatay ng virus.

Sa kanyang pangalawang termino ay humagupit naman ang ang mga matinding bagyo na muling nagdulot ng pagkakasadlak ng mga Bulakenyo sa matinding pagsubok.

Ngunit hindi nagpatinag si Gov. Daniel, patuloy at walang humpay na pagseserbisyo ang kanyang inilatag sa mga Bulakenyo. Walang humpay na paglilingkod at pag-aaruga sa kanyang mga nasasakupan.

Walang pasubali na sa klase ng paglilingkod ay hindi matatawaran ang dedikasyon ni Gov. Daniel at ni Vice Gov. Castro.

At kamakailan lang, muli na namang nalugmok ang lala­wigan ng Bulacan sa matinding pagsubok. Ang walang humpay na pag-ulan dulot ng Bagyong Carina at hanging habagat na sinabayan pa ng high tide na nagdulot ng ma­lawakang pagbaha.

At sa muling pagharap sa pagkakataon, hindi nagpatinag ang gobernador at ang bise-gobernador. Magkatuwang na hinarap ang tawag ng pangangailangan na maglingkod sa mga kalalawigan. Kalingain ang mga naapektuhan ng matinding kalamidad.

Araw-araw ng naghatid ng tulong ang tambalang Fernando at Castro, kasama ang mga opisyales at kawani ng Bulacan Provincial Government. Sabay-sabay at walang tigil na paghahatid ng ayuda o tulong sa mga kababayang naapektuha ng matinding baha.

Kay Gov. Fernando at Vice Gov. Castro ay sigurado ang bukas ng mga Bulakenyo, maharap man sa matinding kalamidad ay may aasahan na maglilingkod at maghahatid ng pagmamahal.

Fernando at Castro, saludo sa inyo ang pitak na ito. Sa pagseserbisyo at paglilingkod sa tao ay walang kinikilingan at pinipili. Tunay na namumuno at nagmamahal sa mga Bulakenyo.

Mabuhay si Gov. Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments