Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaGerald, itinanggi na kasal na sila ni Julia sa Amerika

Gerald, itinanggi na kasal na sila ni Julia sa Amerika

SA Showbiz Update nina Ogie Diaz at Mama Loi ay direkta niyang pinadalhan ng mensahe si Gerald Anderson para alamin kung totoo nga bang nagpakasal na sila ni Julia Barretto sa Amerika.

’Yan kasi ang usap-usapan ngayon sa showbiz habang si Julia ay busy sa pagpo-promote ng Pelikula nila ng ex boyfriend na si Joshua Garcia na ipalalabas na next week.

Marami ang nagtatanong sa talent manager/vlogger kaya minabuti niyang itext ang actor para tanungin kung may katotohanan ang kumakalat na balita sa kanila ng girlfriend.

“Minessage ko si Gerald. At ang sabi niya sa akin, ikaw ang unang makakaalam kapag ikinasal na kami,” ani Ogie.

“Salamat Ge sa iyong pagsagot. At least nalinawan ‘yan na hindi totoo.”

Depensa pa ni Ogie, wala namang masama sakaling totoo man ang napapabalitang ito. “E kung totoo man, kung sakali man na totoo ito, ‘di ba?

’Eh, ano naman ngayon, e nasa legal na age sila?”

Ayan siguro nalilinawan na ang lahat ng mga nagtatanong.

Malapit si Ogie kay Gerald kaya hindi magsisinungaling ang aktor sa kanya.

Si Gerald na mismo ang nagsabi na kapag sila ay nagpakasal na ni Julia si Ogie raw ang unang makakaalam. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments