Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTKon. Lawrence “Buboy” Banag, Action Man ng Obando

Kon. Lawrence “Buboy” Banag, Action Man ng Obando

IPINAMALAS ni Konsehal Lawrence “Buboy” Banag, ang kanyang angking kasipagan sa atas ng tungkulin sa panahon ng pananalasa ng Bagyong Carina na pinasidhi pa ng habagat kung saan ay boluntaryo siyang nagtungo sa mga evacuation center ng Obando na kinaroroonan ng mga evacuees na biktima ng kalamidad.

Sa gayong biglaang pangyayari ay kailangan ang agarang aksiyon kaya naman tumugon sa tawag ng tungkulin si Konsehal Banag at kanyang pinangunahan ang pamamahagi ng pagkain at gamot sa mga mamamayan na nagsilikas sa evacuation centers upang malamnan ang kanilang mga sikmura.

MABILIS na tumugon si Konsehal Lawrence “Buboy” Banag sa tawag ng tungkulin ng pangunahan nito ang pamamahagi ng pagkain at gamot sa mga kababayang nagsilikas sa evacuation centers dulot ng Bagyong Carina na pinalakas ng hanging habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa bayan ng Obando.

Sa unang araw pa lamang ng pananalasa ng bagyo ay kaagad na kumilos si Konsehal Banag matapos makarating sa kanyang kaalaman na ang mga evacuees ay nagsisiksikan sa mga evacuation centers.

Upang matugunan ang kagutuman ng mga apektadong pamilya, agad na nagpamigay ng pagkain ang masipag na konsehal sa mga bakwit iba’t ibang evacuation areas upang sa gayong paraan ay kanyang patunayan ang kanyang malasakit at dedikasyon sa para sa kapakanan ng bawat residenteng naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Dahil ang buhay ay kaakibat ang iba’t ibang sakit tulad ng leptospirosis, agad na naisip ni Kon. Banag na kailangang maagapan ang mga bakwit na huwag kapitan ng nasabing karamdaman dulot ng sakit na karaniwang nakukuha mula sa kontaminadong tubig-baha.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga duktor ng Municipal Health Office ng Obando, napag-alaman ni Kon. Banag na kulang ang suplay ng Doxycycline, sa health office ang gamot na pangunahing pangontra sa naturang sakit.

Hindi nag-atubili si Konsehal Banag na agarang umaksyon. Namahagi siya ng mga kinakailangang gamot sa mga apektadong residente sa iba’t ibang barangay, na umabot sa halos isang libong tao. Ang aksyong ito ay isang malinaw na pagpapakita ng kanyang mabilis na pagtugon sa kalusugan ng kanyang mga kababayan.

Isa pang pangunahing suliranin ang kawalan ng kuryente sa bayan ng Obando noong kasagsagan ng bagyo kaya maraming cellphone users ang hindi makapag-charge ng kaniñang mobile phone kaya naman pinangunahan ni Konsehal Buboy ang paglalagay ng generator set sa paradahan ng sasakyan sa Barangay Paliwas, at doon ay naglagay ng mga outlet na pagsasaksakan ng mga charger ng mga cellphone.

Dahil doon, nabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makapag-charge ng kanilang mga telepono upang makontak ang kanilang mga mahal sa buhay at matiyak ang kanilang kaligtasan.

Ang simpleng aksyon na ito ay nakapagbigay ng kapayapaan ng isip at kaalaman sa kalagayan ng mga residente.

Sa mga ganitong pagkakataon, muling pinatunayan ni Konsehal Lawrence “Buboy” Banag ang kanyang kakayahan bilang konsehal na handang tumulong at magbigay ng solusyon. Ang kanyang mabilis na aksyon, pakikipagtulungan sa mga doktor, at agarang pagbibigay ng mga pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, at kuryente ay naging malaking tulong upang maibsan ang hirap na naramdaman ng mga nasalanta ng Bagyong Carina. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments