Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsInfoBooth, aarangkada sa Singkaban Festival 2024

InfoBooth, aarangkada sa Singkaban Festival 2024

LUNGSOD NG MALOLOS – Tiyak na mabibighani ang mga Bulakenyo sa pananabik at kasiglahan ng Singkaban Festival ngayong taon, salamat sa inobasyon at inisyatiba na kilala bilang ‘InfoBooth with Roving Radio Station’ na inorganisa ng mga Information Officers of Bulacan (InfoBul) at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Public Affairs Office.

Magsisimula sa Setyembre 9, 2024, Lunes, sa ganap na 9:00 ng umaga ang dinamikong kaganapan na ito sa PGB Commercial Building 2 na matatagpuan sa tabi ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) Building sa Capitol Compound, Mc. Arthur Highway, Brgy. Guinhawa dito.

Nangangako ang pagbubukas ng Singkaban Festival na magiging isang hindi malilimutang okasyon, kaya naman ang pagkakaroon ng isang photo souvenir ng okasyon ay nararapat lamang, at ito ang hatid ng InfoBooth para sa mga dadalo sa kapistahan.

Bukod dito, matatagpuan malapit sa InfoBooth ang Roving Radio Station sa kagandahang loob ng Lungsod ng Malolos upang tumulong sa promosyon ng Singkaban Festival 2024 at iba pang mahahalagang inobasyon ng mga lokal na pamahalaan, gayundin ang pagdaraos ng Open Mic Jam kung saan ang lahat ng nais kumanta ay mabibigyan ng pagkakataong umawit.

Sinabi ni Provincial Information Officer Katrina Anne B. Balingit na ang aktibidad ngayong taon ng InfoBul ay magtatanghal sa mga pinakamahuhusay at pinakanatatanging ipinagmamalaki ng mga bayan at lungsod sa pamamagitan ng mga audio-visual presentation at pamamahagi ng mga IEC material.

Samantala, binigyang diin ni Pangulo ng InfoBul at City of Malolos Information Officer Regemrei P. Bernardo ang pangako ng organisasyon na magiging katuwang sa pagbabahagi ng mga tama at mahahalagang impormasyon gayundin ang pagtataguyod ng mga lokal na inisyatiba na makatutulong sa pag-unlad ng lalawigan.

Ang mga bisitang dadagsa sa InfoBooth ay magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng ilang mga souvenir bukod sa kanilang mga larawan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments