Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionMalasakit Amerika, pantay at patas na pamantayan sa medical services

Malasakit Amerika, pantay at patas na pamantayan sa medical services

SA Amerika, bilang isang turistang Pinoy na biglang makaranas ng isang ‘emergency health response’, ay hahangaan mo kung paano nila bigyan ng tamang atensyon ang mga pasyenteng nangangailan nito.

Sa loob nang 911 emergency ambulance ay gagawan ka na ng procedures para malaman ang unang diagnostic sa pasyente at bigyan ng tamang ‘first aid’ kagaya ng napapanood natin sa telebisyon at halaw sa tunay na pangyayari.

Pagdating sa hospital at matapos na makausap ng mga health responders ang 911 providers para malaman ang inisyal na kundisyon ng pasyente ay gagawan na ito ng mga ‘diagnostic’ tests at ‘first aid’.

NILALAPATAN ng first aid ang pasyente mula sa mga 911 responders bago ito ay dalhin sa pinakamalapit na hospital sa lugar. Sinisuguro ng mga team responders na mabigyan ng tamang paunang lunas at initial diagnostic assessment bago lapatan ng tamang atensyon medikal. (File photo).

Matapos magawan ng proseso ay dito lamang kukunan ng personal information ang pasyente. May pera o wala, ano mang race origin, walang trabaho, etc. ay kanilang binibigyan ng pantay na pangangailangan medikal. Ang ganda ng health system provision ni Uncle Sam.

Kung walang insurance ay gagawan ng ahensya ng gobiyerno nang angkop na insurance policy ang pasyente. Makalalabas ka ng hospital sa Amerika ng walang agam-agam na mababaon sa utang o maibenta ang mga ari-arian ng pamilya para mai-salba lamang ang pasyente.

Isang malaking hakbangin ang pagsasabatas ng Malasakit Center o ang RA 11463 na binuo ni Senator Bong Go, ang batas na ito ay naglalayon na matulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng atensyong medikal. Katuwang nito ang mga Department of Health (DOH) hospitals sa bansa at ang Philippine General Hospital (PGH).

Sa implementasyon ng batas na ito, sana ay maging tunay ang ating mga institusyon at maging huwarang halimbawa ang mga bansang gaya ng sa Amerika sa asikasong medikal para sa tao na pantay ang trato sa pasyente, ano man ang estado nito sa buhay.

Gagamutin ka muna bago ka kuhanan ng personal na data o impormasyon. Magalang at maasikaso ang mga service staff mula doktor, nurses, at aide. Ating panalangin na I-prioritized at dagdagan ang pondo sa ahensya ng kalusugan at iwasan ang mga grandstanding at kurapsyon para sa maayos at episyenteng ‘health program’ ng bansa.

PASALAMAT sa aking mga kaibigan at ka-klase sa kanilang pag-aruga at kalinga dito sa Los Angeles, CA. Happy birthday to BC on his 64TH Birthday and advance happy birthday kay Ate Arlene CT ng California. (UnliNews)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments