Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaJhong nakatanggap ng highest merits sa pagtatapos

Jhong nakatanggap ng highest merits sa pagtatapos

DUMALO si Jhong Hilario ng commencement exercises kasama ang ina, asawa at anak na ginanap sa PICC Plenary Hall kamakailan kung saan nakatanggap siya ng highest merits sa kanyang pagtatapos.

Nagtapos ang Showtime TV host ng Master’s Degree sa Public Administration mula sa World Citi College.

Pinasalamatan niya ang lahat ng mga sumuporta sa kanya — ang kanyang pamilya, Showtime family, at Mayor Abby Binay.

Nilinaw ni Jhong na hindi siya tatakbo sa mas mataas na posisyon sa politika ngunit nais niyang maging handa para sa mga oportunidad sa hinaharap.

Sa kabila ng abalang schedule bilang isang konsehal, artista, at ama, matagumpay na nagtapos si Hilario ng Master’s Degree sa Public Administration mula sa World Citi College.

Ani Jhong sa isang panayam,

“Isang taon lang ang kinuha ko. Modular program siya, ipapadala sa ‘yo yung mga modules, tapos kailangang mag-research ng mga libro. ‘Yung iba, kung saan-saan pa namin hinanap ‘yung mga libro.”

Hindi biro ang pag-aaral ng masteral, lalo na para kay Hilario na sabay-sabay na ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang konsehal, host sa It’s Showtime at responsibilidad bilang asawa at ama.

“Ang daming sakripisyo, minsan sobrang busy, pero sa akin lang, hangga’t may pagkakataon, go lang nang go,” dagdag pa niya. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments