Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsNalunod na engineer at survey aid, natagpuan na

Nalunod na engineer at survey aid, natagpuan na

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Natagpuan na ang inhenyero at ang survey aid na nalunod noong Wednesday afternoon (Sept. 18) sa ilog ng bayan ng Bustos.

Base sa ulat kay Col. Satur Ediong, acting Bulacan Provincial Director, kinilala ang mga biktima na sina Dave Mangahas, 24 taong gulang, survey aid at residente ng Balolong Malaki, San Ildefonso, Bulacan at Roxan Limus, 38 taong gulang, engineer, at residente ng San Miguel, Burgos, Pangasinan.

Unang natagpuan ng mga rescue team sa river system sa Barangay Cambaog sa bayan ng Bustos si Mangahas.

Dinala ang mga labi ng biktima sa Giao Funeral Services sa bayan ng San Ildefonso kung saan positibong kinilala ng kanyang tiyuhin ang biktima.

Bandang alas-5:30 ng hapon, natuklasan naman ang labi ni Limus sa kahabaan ng naturang ilog sa Barangay Cambaog.

Dinala ang bangkay ni Limus sa Cory Funeral Services sa Brgy. Makinabang sa Lungsod ng Baliwag at positibong kinilala ng isang Rosell Santos. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments