UPANG maipakita na isang magandang ehemplo at mabuting tagapamahala na namumuno na may mga mabuting taga-sunod, magkasabay at boluntaryong nagpa drug-test sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis A. Castro noong ika-20 ng Setyembre 2024, bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya para sa malinis at drug free na Bulacan.
Ang nasabing drug testing ay random para sa lahat ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan. Bilang pagsunod na rin sa ipinag-utos ni Interior Secretary Benhur Abalos at pagtalima sa Memorandum Circular No.13, series of 2017, na nagbabalangkas ng mga alituntunin para sa mandatory random drug test para sa mga pambublikong opisyal at empleyado.

Anila, Fernando at Castro, “kami ang dapat na manguna sa pagpapa drug-test sapagkat kami ang namumuno sa Bulacan at nais namin na mas mapalawak pa ang kampanya ng lalawigan laban sa droga”.
Dagdag pa ni Fernando, “Ito ay magsisilbing halimbawa sa lahat ng kawani ng pamahalaang panlalawigan na maging malinis at umiwas sa talamak na droga na sumisira sa mamamayan.”
At ang sinoman na magpositibo sa ipinagbabawal na gamot ay maaring ma-dismiss sa serbisyo, pagkatapos dumaan sa ‘due process’ ng pagsusuri.
Ang ginamit na panuri sa kanila at sa lahat ng mga kawani ng kapitolyo ay urine test o sa kanilagn mga ihi. (UnliNews Online)