Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz Balita‘Maple Leaf Dreams’ nina LA at Kira, kapupulutan ng aral

‘Maple Leaf Dreams’ nina LA at Kira, kapupulutan ng aral

IPALALABAS na sa September 25 ang movie ng dalawang lead young stars na sina LA Santos at Kira Ballinger, ang Maple Leaf Dreams.

Napanood namin ang premiere screening ng Maple Leaf Dreams na napaka-simple ng istorya, pero makakarelate ang mga manood lalo na doon sa mga gustong magtrabaho sa abroad, specially sa Canada.

Sina Kira at LA bilang sina Molly at Mickey ay magkasintahan, pero may ambisyon si girl na pumunta sa ibang bansa para maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

Ayaw kasi niyang maging sunud-sunuran ang kanilang pamilya sa kamag-anak na may sinasabi sa buhay. Lalo na kapag nakikita niyang sinisigawan ang ama (Joey Marquez) dahil may utang na loob sila dito.

Ang kamag-anak kasi nila ang tumulong kay Kira para siya makapagtapos ng pag-aaral.

Naisip ni Molly na magpunta sa abroad at napili niya ang Canada kaya inaya niya ang boyfriend na si Mickey.

Sobra ang pagmamahal ni Mickey kay Molly kaya kahit may maganda siyang posisyon sa isang kompanya bilang manager ay pumayag siyang samahan ang girlfriend sa journey nito.

Nag-apply sila bilang student visa at naaprubahan naman.

Agad silang nakaalis nang ibigay ng ama ni Molly ang naipon nitong pera sa kanilang pamilya.

To make the story short, lumipad na ang magkasintahan sa Canada.

Pinakita ang magagandang lugar ng bansa na hinahangad ng mga Pinoy na marating.

Sakripisyo at dusa ang sinapit ng magkasintahan lalo na sa parte ni Mickey.

Si Molly kasi ang nag-aaral samantalang si Mickey ay hirap makahanap ng work.

Lately, nakatyempo siyang Pinoy na may sariling bisnis na pagkaing Pinoy.
Nagtry siyang magtanong nang malaman niyang kapwa-Pinoy ang kausap.
Kinuha naman siyang helper.

Then, times goes by ang sweet na samahan ng dalawa ay nagkakaroon na ng sigalot kapag parehong mainit ang kanilang ulo.

Dahil parehong pagod kaya sa konting bagay ay kanilang pinagdidiskuyunan.
Dito na lumabas ang mga dayalogo ni Mickey, “ang ganda ganda ng trabaho ko sa Pilipinas, manager ako. Pero dito, lahat naranasan ko ang masasakit na salita. Hindi nirerespeto, lulunukin ang lahat, dahil mahal kita kaya sinamahan kita.”

Ani Molly, “ganun, sumbatan na ang gusto mo.”

Pagmamahalan ang matibay nilang pundasyon kaya kapag okey na ay pareho silang nagso-sorry.

Tear-jerker kung tutuusin ang Maple Leaf Dreams, lalo na nang dumating ang matinding pagsubok sa kanila.

In reality, dumating sa point na gusto nang sumuko ni Molly dahil namatay ang kanyang ama.

Sinisi niya ang sarili niya, kasi kung hindi raw binigay ng ama sa kanya para makapag-abroad sana raw ay nagamit na pampagamot ang pera.

Hindi na nagkikibuan sina Molly at Mickey at nasisigawan pa ng una ang huli.

Gusto nang umuwi ni Molly sa Pilipinas, buti na lang may nagpayo sa kanya na kapwa nila Pinoy.

Ayon dito, “ngayon ka pa ba susuko, ang dami nyo nang pinag-daanan.

Nakapag-isip naman ng mabuti si Molly, kaya nang umuwi si Mickey ay isang masayang Molly na ang naghihintay sa kanya.

Tama ang sabing lahat ng sakripisyo ay pagdadaanan.

Mga Pasko, birthdays at iba-iba pang okasyon ay titiisin para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.

Tulad ng mga kwento ng real OFW na nasa Canada.

May mga tapos ng pag-aaral, gramadweyt ng UP at professor noon dito sa Pinas, pero gusto ring mabago pa ang buhay kaya pumunta ng Canada kahit na mag-umpisa siyang magtrabaho bilang helper.

Kanya-kanya silang kwento para lang mapul-fill ang kanilang dreams na maging permanent residence ng Canada.

In the end, nalampasan lahat nina Molly at Mickey ang lahat ng pagsubok sa buhay.

Nakapagtapos na siya ng pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho gayundin naman si Mickey.

Napetition n rin ni Molly ang ina at kapatid dahil nagkaroon na siya ng PR (permanent residency).

Nalulungkot lang siya dahil hindi na niya makakasama ang amang nagmamahal sa kanya.

Nakakabilib ang karakter nina LA at Kira sa movie dahil matibay ang kanilang pagmamahalan ay hindi nila sinukuan ang kanilang dreams hindi lang para sa kanilang pamilya kundi para sa bubuuin nilang pamilya.

May matutunang aral ang Maple Leaf Dreams kung ikaw ay nangangarap na tumira sa mayayamang bansa.

Nabigyan ng dalawang young stars ang kanilang karakter bilang Mickey at Molly.

Actually, nakakagulat ang akting ni LA sa movie, likewise to Kira.

Wala silang big stars na kasama but kering-keri nilang dalahin ang pelikula.
Natanong tuloy ng aming katabi, “di ba sa Canada rin nag-shoot ng sequel movie sina Kathryn Bernardo at Alden Richards?”

Sagot naman po ng yours truly, “bakit may konek ba ang movie nila sa Maple Leaf Dreams nina LA at Kira?”

Hahaha…bigla akong siniko ng aking katabi which is my friend.

Anyway, congrats LA at Kira…clap..clap…clap.

Kudos kay direk Benedict Santos, congratulations!!! (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments