Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeLifestylePeople & Community1,726 Maloleño tumanggap ng AKAP mula sa DSWD

1,726 Maloleño tumanggap ng AKAP mula sa DSWD

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Katuwang ang tanggapan ni Cong. Danny A. Domingo ng Bulacan 1st District, nakapagbaba ng tulong pinansyal sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga unang batch ng benepisyaryo na mula sa naturang lungsod.

Umabot sa 1,726 Maloleño ang nakatanggap ng tig-P3,000 na tulong sa pay-out ng AKAP na isinagawa sa Malolos Sports Convention Center.

ANG mga unang batch na benepisyaryo ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa lungsod ng Malolos na umabot sa bilang na 1,726 Maloleño ang nakatanggap ng tig-P3,000. (FB Page ni Cong. Danny Domingo)

Nagmula sila sa paunang 25 na barangay sa Malolos na nagsumite ng listahan para sa unang batch ng mga benepisyaryo ng AKAP. Binigyan ng pagkakataon ang bawat Punong Barangay na magpasa ng hanggang tig-80 na pangalan at detalye ng residenteng lubos na nangangailangan at kwalipikadong makatanggap ng AKAP.

Layunin ng AKAP na magbigay ng tulong sa mga Pilipino na itinuturing na minimum wage earners, mahihirap, near poor, at mga nasa informal economy na naaapektuhan ang pang-araw-araw na kabuhayan dulot ng pabago-bagong sitwasyon ng ekonomiya.

Nagpapasalamat si Cong. DAD sa Pamahalaang Nasyonal at sa DSWD sa pagsasagawa ng programang ito, gayundin sa bumubuo ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos at bawat opisyal ng Sangguniang Barangay na tumulong sa pagtukoy ng mga nararapat na benepisyaryo. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments