Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTTambalan Rocky-Carla bumida sa San Ildefonso

Tambalan Rocky-Carla bumida sa San Ildefonso

SA bayan ng San Ildefonso ay isang angkan ang itinuturing na political bigwigs ang Galvez clan. Kaya ang naglalaban-laban sa political arena sa munisipalidad na ito ay malalapit na magkakamag-anak at dahil mahal ng mga mamamayan ng San Ildefonso ang mga Galvez, sila na rin ang nagpapasyang pumili kung sino sa nasabing angkan ang kanilang iluluklok sa pinakamataas at pangalawang pinakamataas na puwesto sa luklukan ng kapangyarihan sa nasabing bayan.

Itong political tandem ang talk of the town ngayon sa San Ildefonso. Ang tambalang Rocky Galvez Sarmiento, na tatakbo sa pagka-alkalde at Carla Galvez-Tan, na tatakbo naman sa pagka-bise alkalde sa May 12, 2025. Itong si VM Rocky ang incumbent vice mayor ng San Ildefonso, samantalang si Carla, ay former mayor sa nasabing bayan.

ANG tambalang Rocky Galvez Sarmiento, na tatakbo sa pagka-alkalde at Carla Galvez-Tan, na tatakbo naman sa pagka-bise alkalde sa May 12, 2025 midterm elections. (FB page ni Carla Galvez Tan)

Kaya kapwa may karanasan sa larangan ng pulitika at mahuhusay na mga halal ng bayan sa kani-kanilang kapanahunan. Nito lamang Oktube 5, 2024 ay nag-file ng certificate of candidacy (COC) sina VM Rocky at ex-Mayor Carla. Tulad ng dapat asahan, masaya, maayos at mapayapa ang isinagawang activities sa COC filing nina Rocky at Carla.

Kaya naman makaraang makapag-file ng COC ang mga political aspirants ng Rocky-Carla Team, ipagpapatuuloy ni VM Rocky ang kanyang tungkulin bilang pangalawang punong bayan ng San Ildefonso. Si ex-Mayor Carla naman ay patuloy na makikipagdayalogo sa kanyang mga kababayan upang alamin ang kanilang mga karaingan.

Kumpleto na rin ang mga aspiranteng kagawad ng bayan at nakapaghain na rin sila ng COC kaya ang handang handa nang pumalaot sa larangan ng pulitika ang Rocky-Carla Team, kaya naman handang handa na rin ang mga mamamayan ng San Ildefonso na suportahan ang nasabing team sa darating na halalan sa Mayo 2025

Kaya abangan na lang natin ang mga magiging kaganapan sa bayan ng San Ildefonso samantalang matiyagang hinihintay ng mga mamamayan sa bayang ito ang darating na halalan upang kanilang isulat sa balota ang tambalang Rocky-Carla, at ang kanilang mga ka-team na mga aspirant councilors dahil ang nais daw nila ay pagbabago at kaunlaran sa minamahal nilang bayan.

Gaya nang naipangako ni VM Rocky, ang hangad lamang niya umano ay mapabuti at mapaunlad ang San Ildefonso kung siya ay mapupusuang suportahan sa darating na halalan sa Mayo 2025. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments