Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaYaya Dub, ‘nakibardagulan’ sa It’s Showtime hosts

Yaya Dub, ‘nakibardagulan’ sa It’s Showtime hosts

BUMISITA ang ka-look-alike ni Yaya Dub sa It’s Showtime nitong Sabado.

Matatandaan noon na ang noontime ay muntik nang magsara dahil sa enormous fanbase ng AlDub noon sa Kalyeserye nina Maine Mendoza (Yaya Dub) at Alden Richards.

Cool lang ang mga host nang lumabas sa stage si Yaya Dub at sabay-sabay silang nag-“Hi!” sa Eat Bulaga host at maging kay Bossing Vic (Sotto).

Ayon kay Vhong, “alam mo muntik na kaming matsugi noon dahil sa inyo ni Alden.”

Tinanong siya kung ano ang pinag-kakaabalahan niya today.

Ani Yaya Dub, “eto po paraket-raket.”

Mabuti pinayagan ka ng sa kabila, ani Jhong Hilario.

“Dapat po pupuntahan ko ang asawa ko si Arjo Atayde, e dito po ako napunta.”

Kilala si Maine bilang DubSmash kaya hiningan siya ng sample ng mga host.
Ani Yaya Dub, “wala po kaming anak ni Alden. Sadyang busog lang po ako at anv asawa ko po ay si Arjo Atayde.”

Tuwang-tuwa naman ang mga studio audience sa game na pakikipagbardagulan ni Yaya Dub. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments