Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaBarbie, may post sa negatibong content

Barbie, may post sa negatibong content

SA Facebook account ni Barbie Imperial may post siya about negativity for content.

Aniya: “Ang daming pages ngayon na puro negativity ang pinopost. Worse, puro kasinungalingan para lang umangat ang engagements at kumita ng pera gamit ang paninira. Nagegets ko naman na kailangan kumita ng pera pero sana sa paraang hindi mag sisinungaling.

Ingat sa pag comment and like, pinapayaman nyo po yang mga may ari ng pages na yan ???? nakakalungkot kasi paninira na ang strategy ng marketing ngayon, at ang daming naniniwala without fact checking ??”

“Right. Kaya maraming tao ang kelangan mag social media detox. Sobrang toxic na.”

Iba naman ang komento ng netizen na ito patungkol sa kanya.

“Mas nakakalungkot kase may nang aagaw na ng asawa at naninira na ng pamilya nagegets ko naman na walang bawal sa pag mamahal pero dapat wala kang nasisirang pamilya…just saying”

Nabuhay na naman mga basher ng aktres.

“Hi Barbie – Kailan ka mag acting workshop. Kailangan mo iyon.”

“Marunong naman sya umarte, compared mo Kay SL, milya ang galing nya”
“hala, ang insecure mo nman dun kay Sarah at dinamay mo pa sa pagka bano umarte ni Barbie. Maski pa anong bash mo dun, ASAWA YUN AT PINAKASALAN, ewan ko lang dyan kay Barbie.”

“Pwede mo naman kasi sabihin te na oo naging kami nung wala na sila. Oh edi hindi kana napagkakitaan ng mga trolls”

“Oo nga naman Barbie, bakit nga ba ayaw mo pang aminin kung kayo na ni RG”

May picture kasing kuha sina Barbie at RG sa isang restaurant sa Italy.

Pruweba raw iyun na may relasyon na ang dalawa dahil hindi naman kasama ang aktres sa pagsu-shoot ng aktor sa aksyonserye nilang Incognito. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments