Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaAte Vi. dinepensahan sina Luis at Ryan sa pagpasok sa pulitika

Ate Vi. dinepensahan sina Luis at Ryan sa pagpasok sa pulitika

BALIK-pulitika ang Star For All Seasons Vilma Santos sa politika.

Hindi lang siya kundi kasama na ang dalawa niyang anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto.

Nag-decide na rin kasing pasukin ng magkapatid tulad ng kanilang mga magulang.

Marami ang bumabatikos sa kapatid, pero andyan ang kanilang na dumedepensa sa kanila.

Si Ate Vi ay respetadong veteran stars sa industriya.

Isa siya sa showbiz personalities na pumasok sa pulitika, at maganda ang record bilang public servant.

Ilang taon din siyang nagserbisyo sa Batangas.

Una ay Mayor ng Lipa then naging Governor ng Batangas.

Nang matapos ang termino bilang Ina ng Batangas ay naging Congresswoman naman siya sa Lone District ng Lipa.

Last national elections ay namahinga sa pulitika si Ate Vi at binalikan ang pag-aartista.

This year, ay muli siyang nagbalik at nagfile na ng kanyang certificate of candidacy for the 2025 elections.

Kasama niya ang dalawang na sina Luis at Ryan sa pag-file ng COC.

Si Luis na isang TV host, ang running mate ni Ate Vi as vice governor, samantalang si Ryan ay isang representative.

Kahit maraming Batanguenos ang sumusuporta sa mag-ina ay may mga negatibong reactions naman ang iba.

Lalo na sa magkapatid na Luis at Ryan kinukwestiyon nila ang credibility at ability ng mga ito to be in public service.

Base sa interview, sinabi ng Star For All Seasons na ang kanilang pamilya ay hindi lang family na basta lang pumasok sa politika ay okey na.

“At saka kami, nag-o-offer ng serbisyo — ang tao naman ang boboto kung pagkakatiwalaan kami o hindi. Ang importante, nu’ng mahilingan akong tumakbo uli at gusto nila uling maging governor ako, inisip ko rin kung saan ako lalagay,” wika ni Ate Vi.

Sinabi rin niyang hindi tatakbo ang husband na si Ralph Recto dahil isa itong Secretary of Finance at hindi raw nito iiwan ang national government.

Dating Congressman si Ralph nang italaga siya ni PBBM bilang Kalihim ng Finance, kaya ang tawag ni Ate Vi sa asawa ay CongSec.

Dinepensahan naman niya ang dalawang anak sa desisyon ng mga ito na tumakbo ngayong eleksyon.

“So, ang akin lang, bakit ang dalawa kong anak? Kasi, na-expose na ‘yung dalawa kong anak sa tao. Noong secretary na si Ralph, hindi siya nakaka-attend ng mga affair sa barangay, like educational distribution, financial assistance, mga TUPAD [Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced Workers],” esplika niya.

Dagdag pa niya, lagi raw nagpapadala si CongSec ng kind of endeavor at dahil dito ay na-expose sila sa political scene and how public service works.
Ready na umano ang kanyang mga anak dahil lumaki sila witnessing public service.

Bilang running mate niyang si Luis, kailangan daw niya nang tulong ng anak dahil siya raw ang makaka-assist sa kanya when it comes to technology that can be needed in serving the people of Batangas. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments