Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBulacan, isinusulong ang mas pinalakas na mga kooperatiba

Bulacan, isinusulong ang mas pinalakas na mga kooperatiba

GO KOOP Dashboard, inilunsad

LUNGSOD NG MALOLOS –Tunay na isinasabuhay ng Lalawigan ng Bulacan ang reputasyon nito bilang “Cooperative Capital of the Philippines” sa paglulunsad ng kanilang makabagong GO KOOP Dashboard na pinasinayaan noong Oktubre 5 sa Victory Coliseum sa San Rafael, Bulacan sa ginanap na Kick-Off Ceremony at Motorcade para sa pagdiriwang ng 2024 Cooperative Month.

Sa temang, “Empowering Cooperatives, Transforming Communities”, layon ng proyektong ito, sa kolaborasyon ng Provincial Cooperative Development Council (PCDC), na baguhin ang pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng paglikha ng isang standardized system na magbibigay ng tumpak at kumprehensibong impormasyon sa mga kooperatiba sa Bulacan. Ang data na ito ay magiging napakahalaga para sa mga stakeholder sa kanilang patakaran, programa, at pagpaplano ng proyekto, at maging sa paggawa ng mga desisyon na batay sa datos.

Bilang bahagi ng programa, nilagdaan ng mga kalahok ang Wall of Commitment at nanumpa na susuportahan ang GO KOOP Dashboard. Ang pangakong ito ay ginawa ng Cooperative Development Authority, mga opisyal ng Provincial Cooperative Development Council – Bulacan, Liga ng mga Cooperative Development Officer sa Pilipinas, Inc. – Bulacan Chapter, City/Municipal Cooperative Development Officers and Councils, at sama-sama silang nangako na mapahusay at mapanatili ang organisado, napapanahon na impormasyon sa mga kooperatiba sa lalawigan, na napakahalaga para sa pagpaplano ng programa sa pagpapaunlad ng kooperatiba at paggawa ng desisyon na batay sa datos.

Habang naghahatid ng kanyang pangunahing talumpati, pinuri ni dating Cooperative Development Authority (CDA) Chairperson at kasalukuyang City Development Officer Lecira V. Juarez ng Taguig City ang lalawigan sa pagpapatupad ng monitoring dashboard at binigyang diin ang kahalagahan ng naturang tool sa pagsasabing ito ay nagbibigay ng solidong plataporma para sa mabisang pagsubaybay sa paglago at pag-unlad ng mga kooperatiba sa lalawigan.

“More than 300, 000 lives ay nakasandal po sa inyo, kaya when we speak of empowering cooperatives, ang sabi ‘nga po nila, how can we empower the structure kung tayo po na nakapaloob sa istruktura ay hindi po empowered? Nakuha po ninyo ako doon? So, when we speak of empowering cooperatives, let us start with ourselves, magsisimula po tayo sa ating mga sarili, bakit? Dahil sabi ‘nga po nila, we can never give what we don’t have, tama po ba? So dyan ko po sisimulan ang ating pagpupugay,” ani Juarez.

Hinikayat naman ni Gob. Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis C. Castro at Juarez ang mga panauhin sa pagdiriwang na magkaroon ng aktibong papel sa pagsusulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa at pagpapahusay sa buhay ng mga marginalized na komunidad.

Iminungkahi din ng The People’s Governor ang pagtatatag at pagpapalawak ng mga kooperatiba sa loob ng iba’t ibang organisasyon bilang isang praktikal na paraan upang matulungan ang mga nangangailangan.

“Bakit hindi po natin gawing maging mayabong at palakasin natin ang grupo ninyo? Bago kayo tumulong sa iba, tulungan muna ang inyong mga members, ‘yung pamilya ng inyong mga members, bakit hindi kayo magtayo ng koop, ano po? Sa koop, may pag-asa ka, sa koop, may pag-unlad ka, sa koop, may kinabukasan ang pamilya mo, ‘yan po ‘yan,” dagdag ni Fernando.

Ang Buwan ng Kooperatiba ngayong taon ay punumpuno ng mga kapana-panabik na aktibidad na tiyak na magpapasaya sa lahat kabilang na ang League of Cooperative Development Officers of the Philippines (LCDOP) Bulacan Chapter Bowling Tournament sa Lungsod ng Baliwag sa Oktubre 11; 11th Regional Kooplympics sa Baler, Aurora sa Oktubre 18; at ang prestihiyosong Gawad Galing Kooperatiba sa Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center (HBCC) sa Oktubre 30.

Bukod dito, nakatakdang maganap ang 3rd Central Luzon Tripartite Conference for Coop Development sa Venus Parkview Hotel sa Baguio City sa Nobyembre 20-22.

Bago nagsimula ang lahat ng kasiyahan, isang Capacity Development Training on Investment Promotion and Facilitation ang idinaos noong Oktubre 4 sa Balagtas Hall, HBCC.

Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad sina Regional Director Marieta P. Hwang ng CDA Region 3, na kinatawan ni Acting Supervising CDS Carolina M. Miguel, kasama sina Leilani N. Babista, Chairperson ng PCDC-Bulacan, at Jon Louie P. Santiago, Presidente ng LCDOP-Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments