Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsTambalang Lem-Zar, naghain ng COCs para sa ikalawang termino ng paglilingkod

Tambalang Lem-Zar, naghain ng COCs para sa ikalawang termino ng paglilingkod

Nina Jason Estrada & Jayzelle Bonzon

CALUMPIT, Bulacan — Sama-samang naghain ng kani-kanilang Certificate of Candidacy (COCs) ang buong line-up ng Team Sulong Calumpit 2025 sa pangunguna ni Mayor Lem Faustino at Vice Mayor Doc Zar Candelaria para sa kanilang ikalawang termino ng paglilingkod sa Commission on Elections (COMELEC Calumpit) noong Tuesday (Oct. 8).

Kasama ng dalawa ang kanilang kumpletong line-up sa pagka-konsehal ng bayan na sina Jojo Pagdanganan, Lucy Diego, Mau Torres, Gem Dela Cruz, Carlo Candelaria, Niño Torres, Agnes Pangan Boy Lim-Ranola

Wala namang pagsidlan ng tuwa ang mga taga-suporta ng buong team dahil abot-kamay na nila ang tagumpay sa 2025 midterm elections.

Pinangunahan nina Mayor Lem Faustino at Vice Mayor Doc Zar Candelaria ang buong line-up ng Team Sulong Calumpit 2025 sa pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COCs) noong Martes (Oct. 8, 2024) para sa May 2025 midterm elections. (Kuha ni Jayzelle Bonzon)

“Sure ball na ang panalo ng tambalang Mayor Lem at Vice Mayor Zar dahil ito lang ang kaya naming iganti sa kanilang walang sawang pagseserbisyo sa mga Calumpitenyo,” saad ni Aling Miling na die-hard supporter ni Mayor Lem sa maikiling panayam ng Bulacan UnliNews.

Bago ang pagsusumite ng kanilang COCs, isang Misa ang isinagawa ng grupo upang humingi ng patnubay sa Poong Maykapal sa kanilang magiging laban sa May 2025.

Naglakad din ang buong Team Lem-Zar kasama ang kanilang mga naghihiyawang mga supporter mula simbahan hanggang sa COMELEC Calumpit.

Ayon kay Mayor Faustino, “Ngayong araw ay nakilala natin ang ating #Straight10Calumpiteños line-up ng mga makakasama nating mga konsehal at lingkod-bayan na buo at sama-sama nating dadalhin upang ipanalo ang kagalingan at interes ng ating dakilang Bayan ng Calumpit at mamamayang Calumpiteño tungo sa pagpapatuloy ng higit pang kaunlaran at pag-asenso sa mga susunod pang mga taon.

“Sa mga darating pang mga araw at buwan tungo sa #Halalan2025, magsama-sama tayong ipanalo ang ating misyon para sa ating Diyos at Bayan,” dagdag pa ng alkalde.

Nagpapasalamat naman ang buong “Team Sulong Calumpit 2025,” sa pangunguna ni Mayor Lem Faustino at Vice Mayor Doc Zar Candelaria sa ipinakitang pagmamahal, pakikiisa at suporta ng mga Calumpitenyo sa makasaysayang pagpapasa ng Certificate of Candidacy. Tunay ngang ang samahang pinagbuklod ng kabutihan ng ating Diyos Ama at ng taumbayan ang mananaig sa kabila ng anumang pagsubok at balakid sa ating daang tinatahak. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments